Posted November 26, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES
FM Boracay
Hindi lubos akalain ng isang
turistang Amerikano na siya ay mabibiktima ng isang nagpakilalang masahista ng
siya ay pagnakawan habang siya ay minamasahe sa hotel kung saan siya
nanunuluyan.
Ang biktima ay kinilala na si Jorgen Valentin, 49-anyos
at temporaryong nakatira sa hotel sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay.
Base sa reklamo ng biktima sa Boracay PNP, inalok umano
siya ng nagpakilalang alyas “trisha” ng masahe kung saan nagkakahalaga ito ng P
500 na kanya namang pinaunlakan.
Dahil dito, dumiretso naman umano sila sa hotel na
kaniyang tinutuluyan para sa nasabing sesyon kung saan dahil umano sa
kalasingan nito ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Ayon pa sa biktima, nang magising na siya ng madaling
araw laking gulat nalang nito na nawawala na ang kanyang maleta kung saan
nakalagay ang kanyang pera na nagkakahalaga ng mahigit P 40, 000.
Samantala, dahil sa pangyayari, pinaniniwalaan naman
umano ng biktima na tanging si alyas “trisha” na nagmasahe sa kanya ang suspek
sa pagnakaw ng kanyang pera.
Ini-imbestigahan naman ng mga pulis ang naturang hotel
kung ito ba ay may CCTV footage para makilala ang pagkakakilanlan ng suspek.
No comments:
Post a Comment