Posted December 2, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Umilaw na ang
pinakahihintay na Christmas tree sa Kalibo Pastrana Park kahapon.
Ang Christmas
tree ay gawa sa mga native materials na pinuno at pinalibutan ito ng Christmas
lights. Tinawag naman itong “Iwag it Kalibonhon para sa Mahayag nga
Paea-abuton”.
Naging makulay
naman ang ginawang opening ng Christmas Lights dahil sinabayan ito ng fireworks
display kasabay ng pagrampa ng mga nag-gagandahang 16 na mga kandidata ng Mutya
ng Kalibo Ati-Atihan.
Sinaksihan naman
ng mga Aklanon, turista at iba’t- ibang dayo ang Pastrana Park kung saan
nagkaroon din ng tinatawag na “sadsad” matapos ang opening ng lights.
Nabatid, na ang
Christmas tree ay nagmula sa kultura ng pagan kung saan ito ay sumisimbolo ng
buhay, muling pagsilang at tibay para malagpasan ang buwan ng taglamig.
No comments:
Post a Comment