Posted December 3, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Isinusulong ngayon ng Department of Social Welfare and
Development Office o (DSWD) ang kanilang adbokasiya patungkol sa “Jail no Child”.
Isa ito sa mga naging topiko sa ginanap kahapon na Year
End Forum with the Media and Cap Build on Reporting about Children in Difficult
Circumstances kung saan naging pangunahing bisita dito ay nagmula sa DSWD
Region 6, Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4P’s at Social Pension o SSS na
dinaluhan naman ng mga Media sa Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.
Binuksan ang usapin ni Katherine Joy Lamprea of the
Juvenile Justice & Welfare (JJWC) of the Department of Social Welfare and Development
(DSWD) Region 6, kung saan nagpakita ito ng video presentation kaugnay sa mga
menor-de-edad na mga kabataan na ang tanging alam na gawin ay magnakaw para
lang may makain.
Sa naturang presentasyon nagpapatunay na hindi naman nila
gusto ang kanilang ginagawang pagnanakaw sa kanilang kapwa kundi ang isang bata
na katulad nila ay nangangailangan lang ng atensyon at kalinga ng kanilang
magulang.
Ayon pa kay Lamprea, umano sa Minimum Age of
Criminal Responsibility (MACR) ang mga kabataang nagnanakaw ay hindi
mapapatawan ng kaukulang penalidad kung ito ay nasa minimun age.
Kaugnay nito,gusto ring ipaabot ni Lamprea na kung sakali
ay gumawa ng isang ordinansa ang mga barangay officials ng responsible
parenthood para na rin sa proteksyon ng mga kabataan, dahil ang kalinga pa din
umano ng mga magulang ang siyang sagot sa problema para maiwasan ng mga kabataan ang mga hindi magagandang
gawain.
No comments:
Post a Comment