YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 25, 2016

16 na kalalakihan na biktima ng human trafficking sa aklan, nailigtas

Posted November 25, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for illegal recruitmentHalos 16 ngayon na mga kalalakihan ang nailigtas sa human trafficking.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal recruitment ang isang lalaki dahil sa pag-recruit nito sa mga biktima sa Aklan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Richard Democrito, 39-anyos residente ng Brgy. Linabuan Sur, Banga, Aklan sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Venturanza, Banga.

Napag-alaman na ni-recruit umano ng suspek ang mga biktima at dinala sakay ng isang bus papuntang Iloilo kung saan ang mga ito ay walang dalang kaukulang dokumento mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Samantala, nauna ng nakipag-ugnayan ang DOLE at isang legal na recruiter na si Roger Zaradulla sa Banga-PNP dahil sa illegal recruitment operation ng naturang suspek.

Nasa edad 20 hanggang 50 anyos ang mga biktima na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan.

Samantala, ang suspek na si Democrito ay nakakulong na sa himpilan ng Banga Police Station.

No comments:

Post a Comment