Posted November 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na
pinaglagpas pa ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga problemang natatanggap ng
kaniyang opisina sa isyu sa drainage system sa isla ng Boracay.
Kaya naman
ipinatawag niya kaninang umaga ang Boracay Water Company o (BIWC), Boracay
Tubi, Stakeholders, Sanitation Office, SB Malay sa katauhan ni SB Member
Nenette Aguirre-Graf bilang Committee Chairman on Environment at Municipal
Engineering Office Engr. Elizer Casidsid.
Partikular na
ipinunto ni Mayor Cawaling na ang problema umano sa area ng Bolabog kung saan
nais niya itong palagyan ng Drainage System upang masolusyunan na ang problema
ng mga tao dito.
Aniya, nais niya
munang pag-aralan ang problema sa
drainage system kung kaya’t inatasan niya ngayon si Engr. Casidsid na alamin at
ibigay sa kanya ang report kaugnay sa isyu na ito.
Samantala, ang
drainage system ay may budget na umano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kung
saan ito ay para sa pampublikong proyekto at hindi pampribado gamit lamang.
Sa kabila nito,
nagbigay naman ng komento ang ibang mga concern agencies ukol sa mga mabahong
amoy na kanilang nalalanghap at nakikita mula sa mga area na walang sewage
system.
Nabatid, na kung
sinuman ang makita at hindi sumunod sa patakarang ito ng LGU-Malay ay bibigyan
umano ng kaukulang penalidad.
Samantala, naka-focus
sila ngayon na ayusin ang Bolabog Beach area na kung saan ito ngayon ang labis
na apektado ng naturang problema.
No comments:
Post a Comment