YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 31, 2016

Turismo hinikayat na makiisa sa tumataas na kaso ng HIV

Posted October 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for hivMas pinalawak pa ngayon ang paghikayat sa sektor ng turismo sa probinsya ito’y upang matulungan ang  tumataas na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Aklan.

Ayon kay Debbie Villaflor, Provincial Nurse Coordinator ng STI/HIV/AIDS sa Aklan, hinihikayat nito ang publiko lalo na ang sektor ng turismo na makiisa o makilahok sa kanilang kampanya sa World Aids Day na may temang“Getting to Zero”.

Base umano sa pinakabago nilang datos, may 83 HIV/AIDS na ang naitala sa 17 munisipyo sa Aklan kasama na ang number one destination na isla ng Boracay.

Kaya naman nais ni Villaflor na ang industriya ng turismo ay maki-alam sa ganitong usapin upang maging-conscious umano sila sa kanilang kalusugan.

No comments:

Post a Comment