Posted October 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Patuloy umano
ngayong tumataas ang kaso ng dengue sa probinsya ng Aklan kung saan umabot ito
ng 63%.
Ayon kay
Provincial Health Officer II ng Provincial Health Office Dr. Vic Sta. Maria,
ito umanong record nila ng kaso ng dengue sa probinsya ay base sa sampung buwan
ngayong 2016 at noong nakalipas na taon sa magkaparehong period.
Batay sa
naitalang record ng Provincial Health Office, umabot sa 1,342 mula Enero
hanggang Oktobre 13 ngayong taon ang naitalang kaso ng dengue mas mataas
sa 822 dengue cases na nailista noong
nakaraang taon sa magkaparehong buwan.
Nabatid na sa
fourth quarter ngayong taon ay bumaba
ang kaso ng dengue sa probinsya dahil hindi na umano maulan.
Sa kanilang
pinakahuling monitoring, ang Kalibo ang may pinakamataas na naitalang kaso ng
dengue na umabot sa 286 sinundan naman ito ng Malay na may 123, Banga na may 98 at Ibajay na may naitalang
95 na kaso ng dengue.
Samantala, upang
maiwasan ang pagkakaroon ng dengue virus, payo ng PHO sa publiko, na gawin ang 4'o
clock habit kabilang na ang paglilinis sa paligid na posibleng tirahan ng mga
lamok.
No comments:
Post a Comment