Posted November 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa report ni
Todor Georgiev Stoyanov 32-anyos sa Boracay PNP, nag-offer umano sa kanila ang
suspek na lalaking commissioner ng island activities kung saan agad naman umano
silang nagbayad ng P 3,000.
Subali’t ng sila
na umano ay magkikita kahapon para gawin ang kanilang kinuhang sports activity
ay tila binago ng suspek ang kanilang pinagusapan kung saan humingi pa ito ng
dagdag na bayad sa biktima.
Dahil dito,
ikinalungkot ito ng biktima kung saan minabuti nalang nitong ipabalik sa suspek
ang kanyang ibinayad na pera.
Kaugnay nito,
binigyan umano ng tatlong oras ng
biktima ang suspek na ibalik ang kanyang pera ngunit bigo nitong naibalik sa
biktima.
Sa ngayon, ay
patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para sa ikadarakip ng suspek.
No comments:
Post a Comment