Posted October 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikwininto ni SB
member Dante Pagsuguiron sa programang Boracay Good News ng YES FM Boracay na
meron umanong lumapit sa kanya at nagsabi na e-legalize ang mga commissioner sa Boracay.
Si SB Pagsuguiron
na Chairman ng Committee on Tourism ay pabor umano sa planong ito sa kabila ng
madaming problema at reklamo ang kanilang natatanggap laban sa mga commissioner.
Dahil dito dadaan
pa umano ito sa mga proseso o mahabang pag-uusap dahil na rin sa ang
commissioner sa Boracay ang siyang malaking problema ng mga kapulisan at ng
Department of Tourism dulot sa kanilang ginagawang panluloko sa mga turista.
Sakaling maging
legal naman ang mga ito ay tiyak na mabibigyan na ng sapat na kaukulang
penalidad ang mga mananamantala sa mga turista dahil makilala na ang mga ito
bawat isa.
No comments:
Post a Comment