Posted November 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan ang bagsak
ng habal-habal driver at isang pintor matapos mahuli ang mga ito na umanoy
tulak ng droga sa magkahiwalay na buybust operation kaninang madaling araw.
Pasado alas 12:40
kanina ng madaling araw ng maaresto ang suspek na si Ryan Yabut y Dela Cruz,
37-anyos tubong Brgy. Bayanan, Muntinlupa City, isang habal-habal driver sa
Sitio Cabanbanan Upper, Manoc-manoc kung saan siya temporaryong nakatira.
Hinuli ang suspek
ng Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG),
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Philippine Drug Enforcement Agency
(PDEA) at Maritime Group.
Ang suspek ay sinasabing
nabilhan ng dalawang sachet ng suspected shabu kapalit ng P1, 500 na buy-bust
money mula sa isang poseur buyer at cellphone na naglalaman ng illegal
transaction.
Samantala, isa
namang 27-anyos na Pintor ang nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga nabanggit
na grupo at mga pulis sa Sitio Cabanbanan Crossing ng naturang lugar din
kaninang ala-1:35.
Kumagat sa inihaing
patibong ang target na si Jose Lowies Javier y Alagos ng Hagachac, Makato,
Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.
Nakuha sa
posisyon ng suspek ang isang hinihinalang droga na may kapalit na P 3,000
buy-bust money at cellphone rin na
naglalaman ng mga transaksyon para sa illegal na droga.
Sa ngayon ay nahaharap
naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act Of 2002.
No comments:
Post a Comment