Posted October 31, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Mas pinalawak pa ngayon
ang paghikayat sa sektor ng turismo sa probinsya ito’y upang matulungan ang tumataas na kaso ng Human Immunodeficiency
Virus (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Aklan.
Ayon kay Debbie
Villaflor, Provincial Nurse Coordinator ng STI/HIV/AIDS sa Aklan, hinihikayat
nito ang publiko lalo na ang sektor ng turismo na makiisa o makilahok sa
kanilang kampanya sa World Aids Day na may temang“Getting to Zero”.
Base umano sa
pinakabago nilang datos, may 83 HIV/AIDS na ang naitala sa 17 munisipyo sa
Aklan kasama na ang number one destination na isla ng Boracay.
Kaya naman nais
ni Villaflor na ang industriya ng turismo ay maki-alam sa ganitong usapin upang
maging-conscious umano sila sa kanilang kalusugan.
No comments:
Post a Comment