Posted November 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa na namang
turistang Chinese National ang nabiktima ng illegal na commissioner sa isla ng
Boracay kahapon.
Kinilala sa
blotter report ng Boracay PNP ang biktima na si Chen Tao, 33-anyos at
nanunuluyan sa isang hotel sa Brgy. Balabag.
Ayon sa salaysay
ng biktima sa mga pulis, kumuha umano ito ng water sports activity sa hindi
nakilalang commissioner na kinabibilangan ng Island Hopping at Boat Sailing
kung saan nagkakahalaga naman ito ng P 7, 800.
Nabatid na matapos
umano ang isinagawang Boat Sailing activity ng biktima ay magkikita naman umano
sila ng alas- 10 ng umaga kahapon para gawin ang Island Hopping.
Subalit, sa
paghihintay umano ng biktima sa kanilang pinag-usapang lugar para gawin ang
island activity ay bigong nagpakita ang suspek kung saan labis naman ang
pagkadismaya ng biktima dito.
Kaugnay nito,
minabuting ini-report ng biktima ang insedente sa Boracay PNP Station kung saan
nagpapatuloy parin sa ngayon ang
kanilang imbestigasyon hinggil sa nasabing reklamo.
No comments:
Post a Comment