YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 29, 2016

BFP Boracay,may paalala sa tamang paggamit ng kandila ngayong UNDAS

Posted October 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muli ngayong nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa mga residente na mag-ingat sa paggamit ng kandila sa darating na araw ng mga patay o Undas sa Martes.

Sa panayam ng himpilang ito sa BFP-Boracay, sinabi ni F03 Franklin Arubang na kung mag-sindi ng kandila ay kailangan ipatong sa ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang insidente lalo na ang sunog.

Samantala, naka-full alert status na umano ang kanilang hanay para sa Martes hanggang sa araw ng Miyerkules.

Dagdag pa nito patuloy din umano ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga residente sa Boracay tungkol sa pag-iwas sa sunog.

Maliban dito naglabas na rin sila ng mga panuntunan para naman sa nalalapit na kapaskuhan ang bagong taon kagaya ng paggamit ng Christmas lights at ang pag-iwas sa paggamit ng paputok.

No comments:

Post a Comment