Posted July 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Boracay Action Group photo |
Hindi naging matagumpay ang pagtalon ng isang turistang
Malaysian national sa ginawa nitong cliff diving activity sa Magic Island
katabi ng isla ng Boracay kahapon ng alas-3:15 ng hapon.
Ito’y matapos makaramdam siya ng sobrang pananakit ng
likod o Hip dislocation makaraang talunin nito ang 10 metrong taas ng cliff
diving sa nasabing isla.
Ayon kay PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coastguard
Boracay, agad nilang nirespondihan ang biktima gamit ang kanilang rubber boat
at dinala sa Tambisaan Port kung saan sinakay naman ito sa ambulansya ng BFRAV
at dinala sa AMC Clinic.
Ang biktima ay kinilalang si Josephine Chew 34-anyos na
agad namang nakalabas ng ospital matapos masuri ng doktor ang kanyang
kundisyon.
Nabatid na hindi umano maganda ang pagtalon ng biktima
kung kayat nagtamo ito ng seryosong pananakit ng likod.
Ang cliff diving ay isa ngayon sa mga itinuturing na
delikadong aktibidad dahil sa maaari kang madisgrasya kung hindi tama ang iyong
pagtalon sa tubig.
No comments:
Post a Comment