Posted July 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Umabot sa 256 ang
mga sumukong drug personalities sa bayan ng Malay na kinabibilangan ng pusher
at drug user.
Nabatid na kahapon
na araw nalang ang ibinigay na ekstensyon sa mga pulis para mahuli ang lahat ng
mga nasa drug watchlist ng mga ito.
Ayon kay Malay
PNP Police Senior Inspector Frensy Andrade, nasa 1 percent naman ang bilang ng
mga sumukong babae na kabilang sa kanilang drug watch list.
Sa kabila nito,
ilan umano sa mga drug surenderees sa kanilang watch list ay hindi na ngayon
makita dahil sa karamihan umano sa mga ito ay mga dayo lamang.
Samantala, sinabi
pa ni Andrade na mas marami ang bilang ng mga sumukong drug personality mula sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment