Posted July 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang probinsya umano ng Aklan ang may pinakamataas na kaso
ngayon ng teenage pregnancies sa Western Visayas.
Ito ang sinabi ni Paul Adrian Pelayo, Adolescent and
Youth Development Program focal person ng Aklan Provincial Population and
Gender Office (AkPPGO).
Nagpapakita umano na noong 2015, ay merong kabuuang total
na 1,566 teenage pregnancies sa probinsya, habang noong 2014, ay meron namang
1,514 ang nai-rekord ang ahensya.
Ayon dito ang age group umano na may mataas na kaso ay
mula sa 10 taong gulang hanggang 19-anyos kung saan isa umano itong napaka
crucial na edad mula sa napakabatang babae.
Ito din umano ang dahilan kung bakit ang mga babae ngayon
ay nahaharap sa napakaraming hamon sa kanilang buhay sa kaso ng teenage
pregnancies dahil sa nawawalan umano ang mga ito ng pagkakataong makapag-aral,
problema sa kalusugan at kawalan ng trabaho.
Samantala, sa ngayon umano sa Southeast Asia, ang lahat
ng bansa ay mayroong mababang numero ng teenage pregnancies maliban na lamang
sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment