Posted July 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inilipat na
tuwing araw ng Lunes ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Session ng bagong
administrasyon sa probinsya ng Aklan.
Ito ay base sa
naaprobahang Internal Rules of Procedures ng 17th Sangguniang Panlalawigan.
Gaganapin ang
regular session tuwing alas-3 ng hapon mula sa dating alas-9 ng umaga.
Nabatid na
inanusyo ng bagong Bise Gobernador na si Reynaldo Quimpo ang Internal
Procedures noong Inaugural Session Hulyo 13 taong kasalukuyan.
Samantala sa
ginanap na 2nd regular session ng SP nitong Lunes ay inilatag naman ng SP
Officials ang komitiba na hahawakan nila.
No comments:
Post a Comment