Posted July 21, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa ekstensyon
ng mga pulis para sa pagsugpo ng mga drug personality sa probinsya ay
nadagdagan pa ngayon ang mga sumuko dito.
Nabatid kasi na
kung hindi umano sumuko ang mga ito, lalong-lalo na ang mga nasa drug watchlist
ay pinapasumite sila ng report kung bakit hindi nila ito nakumbinse.
Sa
pakikipag-ugnayan kay PO3 Nida Gregas, Public Information Officer (PIO) ng
Aklan Police Provincial Office (APPO) nasa 1,182 na ngayon ang mga sumukong
gumagamit at nagtutulak ng iligal na
droga.
Nabatid na kahit
tapos na ang programang Oplan Tokhang (Toktok Hangyo) ng Philippine National
Police (PNP) ay pwede paring sumuko ang mga drug personalities subali’t sila na
mismo ang pupunta sa kanilang abogado para mag-file ng kanilang affidavit
katulad sa ginawa ng mga sumukong drug surenderees.
No comments:
Post a Comment