Posted July 23, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nagpasaklolo ang isang OJT student sa Boracay PNP matapos
umanong mabiktima ito ng holdaper sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-manoc kaninang
madaling araw.
Salaysay ng biktima na si Jacob Lopez, 18-anyos ng Laguna
City sa mga pulis, naglalakad umano siya sa mainroad ng nasabing lugar ng
lapitan siya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at tinanong kung sasakay
ito.
Subali’t tumanggi naman ang biktima kung saan nag-usap
naman umano ang dalawang suspek at walang kadahi-dahilan ay sinuntok ng isa sa
mga suspek sa mukha ang biktima at agad na kinuha ang pera nitong na
nagkakahalaga ng P 4,500, relo at ang kanyang sing-sing.
Sa ngayon ang kaso ay ini-refer na sa Intel Section ng
Boracay PNP para imbestigahan kung sino ang nasa likod ng nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment