Pages

Thursday, July 21, 2016

Malaysian national nagtamo ng hip dislocation dahil sa cliff diving activity

Posted July 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Boracay Action Group photo
Hindi naging matagumpay ang pagtalon ng isang turistang Malaysian national sa ginawa nitong cliff diving activity sa Magic Island katabi ng isla ng Boracay kahapon ng alas-3:15 ng hapon.

Ito’y matapos makaramdam siya ng sobrang pananakit ng likod o Hip dislocation makaraang talunin nito ang 10 metrong taas ng cliff diving sa nasabing isla.

Ayon kay PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coastguard Boracay, agad nilang nirespondihan ang biktima gamit ang kanilang rubber boat at dinala sa Tambisaan Port kung saan sinakay naman ito sa ambulansya ng BFRAV at dinala sa AMC Clinic.

Ang biktima ay kinilalang si Josephine Chew 34-anyos na agad namang nakalabas ng ospital matapos masuri ng doktor ang kanyang kundisyon.

Nabatid na hindi umano maganda ang pagtalon ng biktima kung kayat nagtamo ito ng seryosong pananakit ng likod.

Ang cliff diving ay isa ngayon sa mga itinuturing na delikadong aktibidad dahil sa maaari kang madisgrasya kung hindi tama ang iyong pagtalon sa tubig.

No comments:

Post a Comment