Posted June 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kaliwat-kanan
ngayon ang natatatanggap na pagbati ni Richard Macartney na isang British
national para sa Swim For A Cause Activity para sa mga kabataan sa Boracay.
Ito’y matapos ang
kanyang naging magtagumpay na paglangoy sa isla sa loob ng pitong oras sa
pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross Boracay Malay Chapter sa kabila ng
malakas na alon sa karagatan at panay na buhos ng ulan.
Si Macartney ay
nagsimulang lumangoy ala-6 ng umaga sa station 3 nitong Linggo na may 18.5
kilometro ang layo mula sa dalampasigan at inikot ang buong isla ng Boracay.
Nabatid na ang
aktibidad na ito ay para sa aktibong Youth Program ng PRC kung saan ang nalikom
na pera rito ay ibinigay sa Philippine Red Cross Boracay Malay-Chapter para
sa mga kabataan na sinanay sa Swimming Skills.
Si Macartney ay isang retired company director mula sa
United Kingdom na ngayon ay naninirahan na rin sa isla ng Boracay simula pa
noong Marso 2015.
No comments:
Post a Comment