Posted June 17, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Laking gulat
umano ng isang turistang lalaki matapos itong pagnakawan habang natutulog sa
hotel na tinutuluyan sa Brgy. Balabag, Boracay.
Sa report ng
Boracay PNP, nakilala ang biktima kay Lyndon Yorong Jr., 28-anyos Project
Assistant ng isang resort at temporaryong sa nasabing Brgy.
Nabatid na nagising
nalang umano ang biktima na nawawala na ang kanyang bag na nakalagay sa loob ng
kanyanag kwarto kung saan mabilis naman itong humingi ng tulong sa security
guard sa lugar para malaman kung may pumasok sa kanyang kwarto.
Subalit, sa paghahanap
naman ng biktima ay dito niya
nadiskubrihan na naka-kabit na ang kanyang bag sa isang sari-sari store malapit
sa lugar at wala na ang laman nito na cellphone, relo, at cash na P5,000.
Sa ngayon, ay
patuloy ang ginagawang imbestigahan ng mga pulis ng Boracay PNP station sa
lugar kung ito ba ay may CCTV camera para malaman ang pagkakakilanlan ng supek.
No comments:
Post a Comment