Posted June 18, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Ngayong Lunes na
ang itinakdang Transition team ng Department of Interior and Local Government (DILG)
sa bagong administrasyon sa bayan ng Malay.
Ito ay base sa
Memorandum Circular No. 2016-17 na may petsang Pebrero 17, 2016 kung saan ang
Provincial Governor, City at Municipal Mayor ay inaatasan na gumawa ng Local
Governance Team.
Ayon kay MGLOO
Mark Delos Reyes, ito ay may kaugnayan sa national at local elections nitong
Mayo 9, 2016 para sa na halal na opisyales bago man o re-elected.
Kasama umano sa
mga dadalo sa nasabing transition ay ang lahat ng mga department heads ng Malay
at ang bagong team ng uupong administrasyon ngayong Hulyo.
Maliban dito
magsisilbi namang Chairman sa nasabing transition si outgoing Mayor John Yap at
LIGA President Abram Sualog Vice Chairman habang ang miyembro naman ay sina
Mark Delos Reyes at Mayo Tumaob President ng PPC.
Samantala,
papasok sa Transition ang inventory kagaya ng Land, Building, Infrastructure facilities
kasama na ang pag-assemble ng lahat ng rekord at dokumento katulad ng CY 2015
COA report.
No comments:
Post a Comment