Posted June 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa panahon
na naman ng tag-ulan sa bansa kung kayat todo handa muli ang mga taga
Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Aklan.
Ayon kay PDRRMC
Officer 4 Head Galo Ibardolaza, malaki umanong tulong ang ginawang
Rescuelympics ng mga MDDRMC sa probinsya kamakailan kung saan nagpakita ang mga
ito ng kahandaan sa disaster at calamity rescue operations sa ng kagamitan,
kapasidad at abilidad ng mga nagreresponde.
Maliban dito
ikinasa na din umano nito ang mga paghahanda sa bawat bayan o sa lahat ng
MDDRMC kung saan sinabi nito na ang ng mga ito ay pagpapakita
lamang na nakahanda na ang Aklan sa posibleng pagpasok ng kalamidad.
Samantala,
palaala ng PDRRMC sa publiko na hindi dapat baliwalain ang pagpasok ng tag-ulan
dahil base sa weather forecast ng mga ahensya dito o sa labas man ng bansa na
ang tama, kalakasan at tagal ng El Nino ay kapareho rin ng La Nina phenomena, kung
saan ang Pilipinas ay inaasahang matatamaan.
No comments:
Post a Comment