Pages

Tuesday, June 14, 2016

Paglangoy ng isang British national sa loob ng pitong oras sa buong Boracay naging matagumpay

Posted June 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay  

Kaliwat-kanan ngayon ang natatatanggap na pagbati ni Richard Macartney na isang British national para sa Swim For A Cause Activity para sa mga kabataan sa Boracay. 

Ito’y matapos ang kanyang naging magtagumpay na paglangoy sa isla sa loob ng pitong oras sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross Boracay Malay Chapter sa kabila ng malakas na alon sa karagatan at panay na buhos ng ulan.

Si Macartney ay nagsimulang lumangoy ala-6 ng umaga sa station 3 nitong Linggo na may 18.5 kilometro ang layo mula sa dalampasigan at inikot ang buong isla ng Boracay.

Nabatid na ang aktibidad na ito ay para sa aktibong Youth Program ng PRC kung saan ang nalikom na pera rito ay ibinigay sa Philippine Red Cross Boracay Malay-Chapter  para sa mga kabataan na sinanay sa Swimming Skills.   

Si Macartney ay isang retired company director mula sa United Kingdom na ngayon ay naninirahan na rin sa isla ng Boracay simula pa noong Marso 2015.

No comments:

Post a Comment