YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 18, 2016

Bayan ng Malay isa sa mga napiling Beneficiaries ng Handog Titulo program ng DENR

Posted June 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for denrIsa ang bayan ng Malay sa napiling maging benipisyaryo ng Handog Titulo program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa probinsya ng Aklan.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Land Registration Authority sa pamamagitan ng Registry of Deeds at ng Department of Education (DepEd) nitong Hunyo 10.

Kasama sa mga nabigyan ng libreng titulo ang 19 na mga paaralan sa bayan ng Altavas, Banga, Balete, Batan, Kalibo, Tangalan at Nabas at 14  naman na agricultural land recipients mula sa mga bayan ng Numancia, Malay, Balete, Tangalan, Madalag, Altavas at Banga.

Nabatid na ang distribusyon ng patent titles ay may kaugnayan sa DENR’s Environment Month celebration na may temang “Go Wild for Life, Combat Biodiversity Loss, #GreenEnvironmentGawingForever.”

Matatandaang nitong nakaraang taong 2015, ay namahagi rin ang DENR ng special patents sa 22 paaralan sa siyam na bayan sa Aklan sa ilalim ng pangalan ng Department of Education, alinsunod sa Republic Act No. 10023 o ang Residential Free Patent Act of 2010.

No comments:

Post a Comment