Posted June 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang kahilingan
ngayon ang hiningi ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa Sangguniang
Panlalawigan (SP) Aklan.
Sa ginanap na 19th
Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan, nakasaad na ang hinihiling ng
Gobernador ay para sa isang malaking kumpanya sa bansa na magsasagawa ng
kanilang operation construction ng docking facility sa Punta Bunga, Barangay
Yapak isla ng Boracay.
Nabatid na nais
ng kahilingang ito ng gobernador ay para sa direktang transport ng kanilang mga
bisitang magbabakasyon sa isla ng Boracay.
Samantala, ang
naturang usapin ay ini-refer naman sa Committee on Laws and Transportation upang
maisailalim sa pag-aaral.
No comments:
Post a Comment