Pages

Friday, June 17, 2016

Ginawang Rescuelympics sa Aklan malaking tulong umano sa paghahanda sa kalamidad

Posted June 17, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa panahon na naman ng tag-ulan sa bansa kung kayat todo handa muli ang mga taga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Aklan.

Ayon kay PDRRMC Officer 4 Head Galo Ibardolaza, malaki umanong tulong ang ginawang Rescuelympics ng mga MDDRMC sa probinsya kamakailan kung saan nagpakita ang mga ito ng kahandaan sa disaster at calamity rescue operations sa  ng kagamitan, kapasidad at abilidad ng mga nagreresponde.

Maliban dito ikinasa na din umano nito ang mga paghahanda sa bawat bayan o sa lahat ng MDDRMC kung saan sinabi nito na ang  ng mga ito ay pagpapakita lamang na nakahanda na ang Aklan sa posibleng pagpasok ng kalamidad.

Samantala, palaala ng PDRRMC sa publiko na hindi dapat baliwalain ang pagpasok ng tag-ulan dahil base sa weather forecast ng mga ahensya dito o sa labas man ng bansa na ang tama, kalakasan at tagal ng El Nino ay kapareho rin ng La Nina phenomena, kung saan ang Pilipinas ay inaasahang matatamaan.

No comments:

Post a Comment