Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ikinadismaya ng
grupo ng mga turista ang pagtakas sa kanila ng commissioner matapos silang
kinuhaan ng pera para sa kanilang island activities.
Sumbong ng
biktimang si Jamela Samantha Pasco, 23-anyos at temporaryong nakatira sa isang
hotel sa Brgy. Balabag, kumuha umano sila ng mga activities na helmet diving,
parasailing, sail boat at island hopping na nagkakahalaga lahat ng P10.000 sa
suspek na si certain “ANDREW”.
Bago ito nagbigay
umano sila ng downpayment na dalawang libong peso bago ginawa ang ilan sa mga
activities na kanilang kinuha.
Maliban dito agad
umano nilang binigay ang natitira pang P8,000 kahit na hindi pa nila natatapos
ang lahat ng kinuhang island activities.
Sa kabilang
banda, tinawagan umano nila ang suspek kinaumagahan para sa natitira pang
activities ngunit sinabi umano nito sa kanila na hindi na ito matutuloy na wala
manlang ibinigay na dahilan hanggang sa hindi na nga nila ito makontak.
Dahil dito agad
namang nagpasaklolo ang biktima sa mga pulis na ngayon ay patuloy namang
inaalam ng mga ito ang pagkakakilanlan sa suspek kung saan napag-alaman na
makailang beses na rin itong nangyayari sa Boracay.
No comments:
Post a Comment