Pages

Monday, June 20, 2016

Commissioner, ini-reklamo ng panluluko ng turista

Posted June 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for estafaIkinadismaya ng grupo ng mga turista ang pagtakas sa kanila ng commissioner matapos silang kinuhaan ng pera para sa kanilang island activities.

Sumbong ng biktimang si Jamela Samantha Pasco, 23-anyos at temporaryong nakatira sa isang hotel sa Brgy. Balabag, kumuha umano sila ng mga activities na helmet diving, parasailing, sail boat at island hopping na nagkakahalaga lahat ng P10.000 sa suspek na si certain “ANDREW”.

Bago ito nagbigay umano sila ng downpayment na dalawang libong peso bago ginawa ang ilan sa mga activities na kanilang kinuha.

Maliban dito agad umano nilang binigay ang natitira pang P8,000 kahit na hindi pa nila natatapos ang lahat ng kinuhang island activities.

Sa kabilang banda, tinawagan umano nila ang suspek kinaumagahan para sa natitira pang activities ngunit sinabi umano nito sa kanila na hindi na ito matutuloy na wala manlang ibinigay na dahilan hanggang sa hindi na nga nila ito makontak.

Dahil dito agad namang nagpasaklolo ang biktima sa mga pulis na ngayon ay patuloy namang inaalam ng mga ito ang pagkakakilanlan sa suspek kung saan napag-alaman na makailang beses na rin itong nangyayari sa Boracay.

No comments:

Post a Comment