Posted June 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang maglunsad ng 2nd at 3rd Negosyo Center ang
Department of Trade (DTI) Aklan sa bayan ng Ibajay at Altavas ngayong Hunyo 27
at 28, 2016 kasabay ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng DTI at ng
mga nasabing LGU.
Maliban dito ang “NegoCart” na isang special component ng
Negosyo Center ay ilulunsad din kasabay ng seremonya kung saan ito ay isang special
display setting/ infrastructure na ipapakita ang ibat-ibang prodkuto ng bawat
bayan.
Nabatid na ang establisyemento ng bagong Negosyo Center
ay sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipag-sosyo ng DTI Aklan sa Local
Government Units ng Ibajay at Altavas, at ng Provincial Micro, Small at Medium
Enterprise Development (PSMED) Council.
Samantala, panauhing pandangal naman sa launching sina DTI
Officer-in-Charge Regional Director Rebecca Rascon, Congressman Teodorico
Haresco Jr., Provincial Governor Florencio Miraflores, Vice Governor Gabrielle Calizo-Quimpo,
at ang mga municipal mayor ng nasabing bayan kasama ang mga miyembro ng PSMED
council.
No comments:
Post a Comment