Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nabalot ng takot ang may-ari at ng mga nagtatrabaho sa
isang bar sa Sitio lugutan, Brgy. Manoc-manoc matapos silang pasukin ng lasing
na lalaki at nanggugulo.
Sumbong ng may-ari ng bar na si Jill Marie Subrabas Tan,
30-anyos sa mga pulis, sinabihan umano siya ng kanyang empleyado na pinasok
sila ng suspek na si Russel Tugahe at sinira nito ang lamesa, microphone at mga
bote ng inumin dahilan para maglabasan ang kanilang mga customer na kung saan
ay iba rito ay hindi pa nakapagbayad ng bill.
Maliban dito hindi pa umano nakuntento ang suspek at
nagsisisgaw pa umano ito at naghahamon pa ng away sa mga tao sa lugar.
Nabatid na lasing na lasing ang suspek ng manggulo sa
loob ng bardahilan para ipahuli ito sa mga pulis sa Boracay PNP.
Samantala, ang kaso ay ini-refer naman ng mga pulis sa
Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment