YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 21, 2016

4S dapat umanong tandaan laban sa dengue ngayong tag-ulan

Posted June 21, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dengueInaasahan umano ng Provincial Health Office na muli na namang tataas ang kaso ng dengue sa  probinsya ng Aklan dahil sa pagpasok ng tag-ulan.

Dahil dito, nanawagan si Dr. Cornelio Cuachon, Jr., provincial health officer I na kailangang maging masikap sa paglilinis ng mga kapaligiran.

Maliban dito umapela naman ito sa publiko na kailangang tandaan ang tinatawag na 4S - strategies, na ikinakampanya ng Department of Health na siyang epektibo na pamamaraan sa pagsupo ng dengue. 

Nabatid na ang unang “S” ay “seek and destroy” kung saan dapat linisin ang mga lugar na posibling pamugaran ng lamok at ang pangalawa ay “S” “seek early consultation” na kung saan magpakunsulta agad sa doktor kung tumataas ang lagnat.

Sunod naman nito ay “self protection” na kailangang magsuot ng mahabang manggas at maglagay ng kulambo kung matutulog na at ang pang-huling “S” naman ay “say no to fogging” dahil dapat na gamitin lamang ito kung may dengue outbreak na sa lugar.

Samantala, ang anti-dengue vaccine umano ay nasa bansa na at noong Abril ngayong taon ay ginawa ang first dengue vaccination sa pampublikong paaralan sa Region 3, 4A, at National Capital Region.

No comments:

Post a Comment