Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Namimilipit sa
sobrang sakit ang isang lalaking bagong kasal ng magsumbong sa mga pulis matapos
umanong ma-food poisoning sa kinaing inihinda sa kanilang kasal sa isang hotel
sa Station 1. Boracay.
Sa report ng
Boracay PNP, nagreklamo umano sa kanilang tanggapan si Andrew Reyes 36-anyos,
isang Businessman mula USA.
Dito sinabi nito
na habang kumakain sila sa reception ay bigla nalang siyang nakaramdam ng
pananakit ng tiyan at tila nasusuka.
Ang pagkain umano
ng hotel ang sinasabing dahilan kung bakit sumakit ang tiyan nito kung saan
maging ang ilan sa kanilang mga bisita ay nakaranas din ng pananakit ng tiyan.
Salaysay pa ng
biktima isa umano sa kanyang mga bisita na nakaramdam din ng katulad na kaso
ang nagpasuri sa doktor kung saan lumalabas sa resulta na mayroon umanong bacteria
ang kanilang kinain na positibo naman sa tinatawag na amoebiasis.
Samantala ang
naturang insidente ay idinulog ng Boracay PNP sa Municipal Health office ng
Malay para sa masusing embitigasyon tungkol sa nangyari.
No comments:
Post a Comment