Posted June 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-refer na susunod na konseho ang mga natirang
Order of Business ng Sangguniang Panlalawigan ng probinsya ng Aklan.
Itoy dahil sa wala na umanong panahon para sa mga ito na
pag-usapan ang mga nakabinbing usapan sa sesyon anim na araw bago magpalit ang konseho ayon sa opisina ng SP.
Sa pagbubukas ng susunod na session ito ay tatalakayin na
ng mga bagong set ng konsehal sa buwan ng Hulyo.
Nabatid na ang mga incoming Provincial Officials sa
Sangguniang Panlalawigan sa Eastern side ay si Ampod Neron, Soviet Russia Dela
Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty. Emmanuel Nolly.
Sa Western side naman uupong SP member sina Ramon “Andoy”
Gelito, Engr. Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson Santamaria kasama
dito ang bagong Bise Gobernador na si Atty. Boy Quimpo na siyang magiging
kinatawan bilang chairman ng Session.
No comments:
Post a Comment