Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit by: PIA Aklan |
Sa kabila ng
paghintay sa mga transmission ng labing pitong munisipalidad ng probinsya ng
Aklan na-iproklama na kahapon ang mga nanalong kandidato sa provincial level ng
Comelec Aklan dalawang araw matapos ang eleksyon.
Sa panunguna nga
ni Atty. Roberto Salazar Provincial Election Supervisor II, Atty. Maya Bien
Mayor-Tolentino, at Deped Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez
na-iproklama ang mga kandidatong nanalo sa probinsya.
Samantala ang
nanalo naman sa Sangguniang Panlalawigan sa Eastern side ay si Ampod Neron,
Soviet Russia Dela Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty. Emmanuel
Nolly Sudosta habang sa Western side naman ay si Ramon “Andoy” Gelito, Engr.
Miguel Miraflores, Jay Tejada,
Esel Flores at Nelson Santamaria.
Nabatid na una ng
sinabi ni Salazar na may technical problem ang transmission kaya hindi agad
na-receive nito ang resulta ng botohan sa mga munisipyo dahilan para tumawag pa
ng technician galing sa Bacolod.
Samantala
makalipas nito ay agad namang naayos ng technician ang problema kung saan una
ng ginawan ng paraan ng Provincial Board of Election (PBOC) ang opsyon nila na
i-upload ang mga CD’s na kopya ng Municipal Board of Election (MBOC).
No comments:
Post a Comment