Pages

Thursday, May 12, 2016

Mga nanalo sa eleksyon sa Aklan Province, na-iproklama na

Posted May 12, 2016

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Photo Credit by: PIA Aklan
Sa kabila ng paghintay sa mga transmission ng labing pitong munisipalidad ng probinsya ng Aklan na-iproklama na kahapon ang mga nanalong kandidato sa provincial level ng Comelec Aklan dalawang araw matapos ang eleksyon.

Sa panunguna nga ni Atty. Roberto Salazar Provincial Election Supervisor II, Atty. Maya Bien Mayor-Tolentino, at Deped Schools Division Superintendent Dr. Jesse Gomez na-iproklama ang mga kandidatong nanalo sa probinsya.

Sa kabuuang resulta ng Comelec Aklan ang nanalo sa pagka-Congressman ay si Carlito Marquez at sa Gobernador naman ay si Joeben Miraflores habang ang Bise Gobernador ay si Atty. Boy Quimpo.

Samantala ang nanalo naman sa Sangguniang Panlalawigan sa Eastern side ay si Ampod Neron, Soviet Russia Dela Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty. Emmanuel Nolly Sudosta habang sa Western side naman ay si Ramon “Andoy” Gelito, Engr. Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson Santamaria.


Nabatid na una ng sinabi ni Salazar na may technical problem ang transmission kaya hindi agad na-receive nito ang resulta ng botohan sa mga munisipyo dahilan para tumawag pa ng technician galing sa Bacolod.

Samantala makalipas nito ay agad namang naayos ng technician ang problema kung saan una ng ginawan ng paraan ng Provincial Board of Election (PBOC) ang opsyon nila na i-upload ang mga CD’s na kopya ng Municipal Board of Election (MBOC).

No comments:

Post a Comment