Posted May
11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nangunguna ngayon sa pagka-congressman ng lone district ng
Aklan si former Governor Carlito S. Marquez ng (UNA) laban sa katunggali nito
na si Teodorico Haresco ng (LP).
Ito ay base sa datos na lumabas sa Comelec Transparent
Server kung saan nangunguna naman pagka-gobernador ang kapartido ni Haresco na
si Florencio Miraflores laban kay former Banga Mayor Antonio Maming.
Maliban dito nangunguna rin sa pagka bise-gobernador si Atty.
Boy Quimpo ng (LP) laban kay Lovel Mationg na kapartido ni Marquez.
Nabatid na malayo na umano ang hahabulin ni Haresco laban
kay Marquez kung saan lumamang na ito na mahigit sa sampung libong boto.
Maliban dito, nangunguna naman sa limang Board members sa
Western Side ng Aklan sina Ramon Gelito, Jose Miguel Miraflores, Jay Tejada,
Esel Flores at Nelson Santamaria.
Samantala, sinabi naman ng Comelec Aklan na nakatakda
ngayong araw ang proklamasyon para sa mga mananalong kandidato sa matataas na
posisyon sa probinsya.
No comments:
Post a Comment