Posted May 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Natapos ng walang malalaking problema ang ginanap na
eleksyon sa bayan ng Malay nitong Mayo 9, 2016 hanggang sa naging proklamasyon
ng mga nanalong kandidato kahapon.
Dahil dito binati ni MGLOO Mark Delos Reyes ng DILG Malay
si Comelec Officer II Chrispin Raymund Gerardo sa pagpapatupad ng maayos na
eleksyon sa nasabing bayan.
Nabatid na walang naging malalaking problemang naitala
ang Comelec Malay sa kakatapos lang na halalan maliban sa ilang VCM na
nagka-aberya ngunit mabilis na naayos sa tulong ng mga technician.
Maliban dito umaga palang ay sumalang na sa proklamasyon
ang mga kandidatong nanalo sa pagka-alkalde ng bayan bise-alkalde at mga
miyembro ng konseho.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng Comelec sa mga
BEIs na nagsilbi sa halalan gayundin sa mga pulis sa pagpapaigting ng maayos na
seguridad sa isla ng Boracay at buong bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment