Posted May 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang Boracay PNP sa nakatakdang Brigada Eskwela
sa Mayo 30 para sa nalalapit na pasukan ngayong Hunyo 13, 2016.
Ito ang sinabi ni BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher
Mendoza, PCR PNCO, kung saan makikipagtulungan umano sila sa mga magulang at
mag-aaral sa paglilinis ng mga paaralan sa Boracay.
Sinabi nito na handa na ang lahat ng hanay ng mga
kapulisan sa tulong na rin ng Department of Education (DepEd) Malay.
Nabatid na kada taon ay sumasali ang Boracay PNP sa
Brigada Eskwela kung saan layun nito na maging malinis at maging handa ang mga
paaralan sa muling pagbubukas ng pasukan.
Samantala, inaasahang magiging iba na ang sistema ng
klase ngayong Hunyo dahil sa pagsisimula ng K to 12 program.
No comments:
Post a Comment