Ni Inna Carol L.Zambrona, YES FM Boracay
Tumaas umano ng
40% ang kita ng Aklan Piña and Fiber Festival sabay sa nakaraang selebrasyon ng
ika-60th anibersaryo ng Aklan Day noong Abril 25, 2016.
Ayon kay OIC
Provincial Director Ma. Carmen Iturralda ng Department of Trade and Industry o
(DTI) Aklan mahigit P6.1 million umano
ang kita ang nailista ngayong taon , mataas kumpara noong nakaraang taon na
umabot lamang sa P4.2 million.
Kung saan isa sa
mga naging mabenta dito ay ang indigenous fiber, crafts, processed foods,
fashion accessories at furniture making.
Kabilang din sa
mga naibentang produkto dito ay para sa health wellness na gawa mismo dito sa
Aklan kung saan may ibinenta ring decorative crafts, agri-aqua products, bakery
at confectionery products.
Napag-alaman na
nag-imbeta ang DTI ng mga mamimiling galing sa Metro Manila at iba pang mga
lugar habang sa susunod naman na taon ay mang-iimbeta pa sila ng mga prospective
buyers.
Ngayong taon
umano ay may 75 na mga exhibitors ang sumali sa trade fair na nag-display at
nagbenta ng mga tela ng Piña, abaca, damit na gawa sa Piña ang tela, health and
wellness products,prutas, tinula, produktong dagat at iba pa.
No comments:
Post a Comment