Posted May 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by. www.akoayPilipino |
Nasa kabuuang 28, 268 lamang na mga botante sa bayan ng
Malay ang nakaboto nitong May 9 national and local election.
Ito ay base sa record ng Commission on Election (Comelec)
Malay.
Nabatid na sa 33,813 na registered voters sa nasabing
bayan ay tanging 28, 268 lamang ang mga nakabotong botante kung saan halos
umabot sa limang libong mga botante rito ang hindi nakapagboto noong nakaraang
eleksyon.
Maliban dito ang Voters' turnout ay umabot naman sa
83.60% habang ang Valid ballots ay 28, 268 at 0 naman ang Rejected ballot.
Lumalabas na ilan sa mga hindi nakaboto ay yaong mga
namatay na at ang iba naman ay walang pagkakataon na makalabas sa trabaho
kagaya ng mga manggagawa sa mga hotel sa isla ng Boracay.
Samantala, ang bayan ng Malay parin ang pangalawa sa may
pinakamaraming naka-rehistrong botante sa buong probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment