Posted March 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: Boracay Action Group |
Inabunuhan ngayon
ng Gobernador ng Aklan na si Joeben Miraflores ang sahod ng ilan sa mga
empleyado ng Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV).
Ayon kay
Commodore Leonard Tirol Adviser/Consultant ng Boracay Action Group (BAG) na malaki
ang pasasalamat nito sa gobernador sa pagbigay ng budget sa BFRAV responders
para sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo pagkatapos na hindi na sila napasama
sa payroll ng LGU-Malay.
Sa kabila nito,hindi
na umano sinabi pa ng gobernador ang halaga ng budget na ipapasahod dito at
kung ito ba ay sarili niyang pera o ng
probinsya ng Aklan.
Samantala nabatid
na simula ngayong buwan hanggang Mayo ang nakalaan na budget para sa
pagpapasahod sa BFRAV responders kung saan sinabi din ng gobernador kung hindi
man siya ang mananalo sa eleksyon sa Mayo ay depende nalang sa susunod na uupo
dito kung ipag-papatuloy nito ang pag-bibigay ng budget.
Sinabi pa ni Tirol
na mag-papatuloy parin ang kanilang 24/7 na serbisyo sa mga turista,
stakeholders at mga residente sa Boracay para sa pagresponde sa mga emerhensya.
Matatandaan na
noong nakaraang buwan ay nagbigay si Commo. Greg Barnes ng PCGA ng mahigit P
80, 000 para sa isang buwang pasahod dito.
No comments:
Post a Comment