Posted March 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isa na namang Boarding
house ang niluoban ng hindi nakilalang magnanakaw sa Sitio Bolabog, Brgy.
Balabag, Boracay kahapon.
Nakilala ang mga
biktimang sina May Flor Cabrera 26-anyos residente ng Buenavesta, Duenes,
Iloilo at Maricar Popes 27-anyos ng Mabilo Aklan na residente ng nasabing
lugar.
Sa report ng
Boracay PNP, sinabihan umano si Cabrera ng kanyang bayaw na pinasok ang kwarto
ng boarding house nito ng hindi nakilalang magnanakaw.
Dahil dito,
mabilis na umuwi ang biktima at dito nadatnan niya na bukas na ang kanyang
pintuan na tila pwenirsang sirain ang lock.
Dito nadiskubre
ni Cabrera na nawawala na ang kanyang iphone 3, O+ cellphone, dalawang wallet,
hikaw, silver ring , teddy bear at 5USD.
Maliban dito
nakuha rin sa katabing kwarto nito na pagmamay-ari naman ni Popes ang dalawang
cellphone at isang tablet charger.
Sa ngayon pinag-hahanap
na ng mga pulis ang suspek na sinasabing isang menor-de-edad.
No comments:
Post a Comment