YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 01, 2016

Kampanya laban sa sunog ng BFP nagsimula na

Posted March 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isang malakas na alingaw-ngaw ang gumising sa mga residente sa isla ng Boracay kaninang alas-6:30 ng umaga.

Ito ay dahil sa nagsimula na ang kampanya ng Bureau of Fire Protection Unit (BFPU) Boracay laban sa sunog ngayong Fire Prevention Month na may temang “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtan”.

Sinimulan ang naturang kampanya  sa pamamagitan ng motorcade na nagsimula sa Cagban Port hanggang Eco Village sa Brgy. Yapak.

Pinangunahan naman ito ni Senior Fire Officer III Oscar Deborja ng BFP Boracay kasama si Commodore Leonard Tirol ng Boracay Action Group at ng BFRAV, Manila Water at ni Mike Labatiao ng LGU Malay.

Maliban dito namudmod din ang grupo ng safety precaution tips sa publiko kung paano makakaiwas sa sunog at kung ano ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog.

Ang Fire Prevention Month ay taunang ginagawa tuwing buwan ng Marso na tinatawag na Fire Prevention ng Month sa hanay ng BFP.

No comments:

Post a Comment