YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 03, 2016

BTAC, nakafull-alert laban sa mga kawatan ngayong super-peak season

Posted March 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay pnpNaka-full alert ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) bilang paghahanda sa pagpasok ng Super-peak season sa isla ng Boracay.

Ayon kay Deputy Director Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP, ang kanilang paghahanda ay hinggil sa umano’y tumataas na kaso ng nakawan kung saan patuloy ang kanilang ginagawang monitoring para mapuksa ang lumalalang insidente.

Sa kabila nito sinabi pa ni Gesulga, na noong nakaraang buwan ng Enero 2015 ay may record silang mahigit 101 na kaso ng nakawan kung saan bumaba na umano ito ngayong buwan ng Pebrero 2016 sa 48.

Subalit sa kanilang bagong record ngayon ay mas laganap umano ang nakawan sa mga hotels at boarding house kung saan ito naman ngayon ang puntirya ng mga mag-nanakaw na dati ang pandidikwat ay sa front beach area.

Maliban dito, malaking tulong din umano sa Boracay ang pag-deploy ng karagdagang 50 Police personnel sa BTAC kasama na ang kanilang ginagawang ATV Mobile Patrol o Long beach patrol at ang dagdag na puwersa ng Force Multipliers sa Boracay.

Samantala, paalala naman ni Gesulga sa mga turistang mag-babakasyon ngayong super-peak season sa Boracay na mag-doble ingat sa pagdala at pag-bantay ng kanilang gamit lalong-lalo na sa kanilang hotel na tutuluyan para hindi mabiktima ng kawatan.

No comments:

Post a Comment