Pages

Wednesday, March 02, 2016

Governor Miraflores, inabunuhan ang sahod ng ilang BFRAV responders

Posted March 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Photo Credit: Boracay Action Group
Inabunuhan ngayon ng Gobernador ng Aklan na si Joeben Miraflores ang sahod ng ilan sa mga empleyado ng Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV).

Ayon kay Commodore Leonard Tirol Adviser/Consultant ng Boracay Action Group (BAG) na malaki ang pasasalamat nito sa gobernador sa pagbigay ng budget sa BFRAV responders para sa pagpapatuloy ng kanilang serbisyo pagkatapos na hindi na sila napasama sa payroll ng LGU-Malay.

Sa kabila nito,hindi na umano sinabi pa ng gobernador ang halaga ng budget na ipapasahod dito at kung ito ba ay sarili  niyang pera o ng probinsya ng Aklan.

Samantala nabatid na simula ngayong buwan hanggang Mayo ang nakalaan na budget para sa pagpapasahod sa BFRAV responders kung saan sinabi din ng gobernador kung hindi man siya ang mananalo sa eleksyon sa Mayo ay depende nalang sa susunod na uupo dito kung ipag-papatuloy nito ang pag-bibigay ng budget.

Sinabi pa ni Tirol na mag-papatuloy parin ang kanilang 24/7 na serbisyo sa mga turista, stakeholders at mga residente sa Boracay para sa pagresponde sa mga emerhensya.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nagbigay si Commo. Greg Barnes ng PCGA ng mahigit P 80, 000 para sa isang buwang pasahod dito.

No comments:

Post a Comment