Posted
February 29, 2016
Ni Mackie Pajarillo YES FM Boracay
Naging matagumpay ang ginanap na Peace Covenant ng
Commission on Elections (COMELEC), Malay, dakong alas-dos kahapon ng hapon.
Ito’y sa pakikipagtulungan sa St. Joseph the Worker Parish
sa pangunguna ni Rev. Fr. Anthony Jizmundo, Parish Pastoral Council for
Responsible Voting (PPCRV), Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP)
Aklan Chapter, Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), Malay Municipal Police
at Philippine Army.
Kanya-kanya namang lagda at pakikipag-kamay ang mga
kandidatong magkatunggali na tumatakbo para sa nalalapit na May 2016 elections
matapos ang ginawang mensahe na Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig.
Sa kabilang banda, nanawagan naman si Malay Police Senior
Inspector Frensy Andrade sa mga kandidato na kailangan umano nilang pagsabihan
ang kanilang mga lider sa bawat barangay para maging mapayapa at hindi
magkagulo sa nalalapit na halalan.
Samantala, nagtapos naman ang nasabing peace covenant na may
ngiti at galak sa bawat magkatunggaling partido sa pamamagitan ng “budol
fight”.
No comments:
Post a Comment