Posted March 2, 2016
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon ngayon ng kasunduan ang Boracay Island Water
Company (BIWC) sa Provincial Government ng Aklan para sa itatayong Public CR sa
Cagban Port.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, wala
pa umano kasing lifting station sa Cagban at sa kalapit na area kung kaya’t
nagkaroon sila ng MOA o kasunduan sa pagitan ng TIEZA na magtayo nito kapalit
naman ng itatayong public CR.
Nabatid na ang nasabing comport room ay may sukat na 50
square meter habang ang lift station naman ay may 20 square meter kasama na ang
generator set para sa pumping station at may budget na P1 Milyon.
Sinabi pa ni Maquirang na kailangan nang ma-kakonekta ang
mga taga Cagban sa sewerage system ng BIWC.
Matatandaan na noong taong 1999 ay ang may hawak na
proposed project sa isla ng Boracay ay ang Philippine Tourism Authority sa
pamamagitan ng pagbibigay suplay ng tubig at ang sebisyo sa sewerage system
ngunit hindi umano ito napanitili kung kayat naiturn-over na ito sa TIEZA na
sila naman ang magpapatuloy.
Note: This News Item is supported with Voice Clip of Mr. Maquirang last March 2, 2016.
Note: This News Item is supported with Voice Clip of Mr. Maquirang last March 2, 2016.
No comments:
Post a Comment