Pages

Wednesday, March 02, 2016

BIWC nakipagsundo sa Provincial Government ng Aklan para sa itatayong public CR sa Cagban Port

Posted March 2, 2016
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for comfort room signNagkaroon ngayon ng kasunduan ang Boracay Island Water Company (BIWC) sa Provincial Government ng Aklan para sa itatayong Public CR sa Cagban Port.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, wala pa umano kasing lifting station sa Cagban at sa kalapit na area kung kaya’t nagkaroon sila ng MOA o kasunduan sa pagitan ng TIEZA na magtayo nito kapalit naman ng itatayong public CR.

Nabatid na ang nasabing comport room ay may sukat na 50 square meter habang ang lift station naman ay may 20 square meter kasama na ang generator set para sa pumping station at may budget na P1 Milyon.

Sinabi pa ni Maquirang na kailangan nang ma-kakonekta ang mga taga Cagban sa sewerage system ng BIWC.

Matatandaan na noong taong 1999 ay ang may hawak na proposed project sa isla ng Boracay ay ang Philippine Tourism Authority sa pamamagitan ng pagbibigay suplay ng tubig at ang sebisyo sa sewerage system ngunit hindi umano ito napanitili kung kayat naiturn-over na ito sa TIEZA na sila naman ang magpapatuloy.

Note: This News Item is supported with Voice Clip of Mr. Maquirang last March 2, 2016.

No comments:

Post a Comment